Naaresto na ang tatlong pangunahing suspek sa pagpapasabog sa night market sa Davao City noong September 2 na ikinasawi ng labinglimang katao.
Kabilang sa mga naaresto si TJ Macabang – ang triggerman na siyang pumindot para sumabog ang bomba, ang bomb courier na si Wendel Facturan at ang nag-dokumento ng pangyayari na si Musali Mustapha.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, ang mga suspek ay pawang kasapi ng Maute group na nagnanais aniyang sumapi o magpakita ng suporta sa ISIS.

Ang tatlo ay nadakip sa isang checkpoint at nakuha sa kanila ang ilang armas at pampasabog.
Hindi umano bababa sa sampu ang nagtulong-tulong para maisakatuparan ang krimen na hinati-hati sa tatlong team.
Nakuha sa mga nadakip na suspek ang actual video ng Davao bombing na mismong ang mga suspek ang kumuha gamit ang kanilang cellphone.
Sa nasabing video, nadinig pa ang isa sa mga suspek na sumigaw ng “Allahu Akbar!” matapos ang pagsabog.

Source: radyo.inquirer
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte PH Movement
© Duterte PH Movement
Loading...
Post a Comment